what can i say, can you guess some?
how to be like one?
para lang akong nag share nag post sa Facebook ng pinakamalupit na status...
na pagtingin mo sa PRIVACY ay naka ONLY ME...
siguro pwede mong i post dun ang scandal mo...ang mga pictures ng ex mo...
ang mga pagkatalo mo sa debate, wrestling, at egg relay sa christmas program niyo..
isang sulok kung saan pwede mong mura murahin ang kapitbahay mo na ikaw lang ang nakaka alam...
pinag papantasyahan mong katulong ng classmate mo sa school at kayo lang ang nakaka alam...
pwede ka ng makagawa ng resolusyon sa senado na ikaw lang ang nakaka alam...pwede kang maging si batman at ikaw lang ang nakaka alam...pwede mong sampalin ang presidente ng pilipinas na ikaw lang ang nakakaalam...
simple lang...mabuhay sa isang puno ng kagaguhan...kababalaghan...at ang pinakamalupit kainstagraman...
hindi mo ako masisisi dahil sa sistema ko, matagal na akong rebolusyunaryong duwag at mayat mayay malalaman mong ubos ka na...ano ba talaga ang pinaglalaban natin teh maliban sa trapik sa EDSA...
ganito yan...may isang nagsulat sa pahayagan...binasa ba yan? tinapon lang? oo...isang titik lang ang agwat natin para sa totoong kahalayan...
maraming ideya na pwedeng mapulot sa kalsada...karinderia...kalesa,,,kakosa...kachukchakan...kachurvahan...
ganun...
gagawa na ako ngayon ng mga ibat ibang koleksyon ng essay at tula para malaman niyo na bahagi ako sa sistema niyo...
isa lang akong ordinaryong nagmamarunong...pag nakita niyo ko sa daan at halatang umiiwas sa salubong...malamang sa kubeta ako patungo...
klik niyo na lang yung mga pages sa taas...yun na rin ang title eh...hehe...
enjoy niyo na lang ang trip ko...basagan kung basagan...ok lang freelance gun for hire naman ako eh...