linear editing

Isang script, v.o., raw, tsaka dvcpro...
Unang latag pedeng colorbars o pure black..
salpak v.o. kyu sa final take...
Entry in,entry out,auto edit check baka sa script may 2nd take...
Hugot susunod ang sot, pedeng mots o natsot...
Jog lang malapit na...
Shuttle kung malayo pa...
Direk buton kung super layo pa...
Madalas maririnig mo sa likuran mo...
Pakyu! sa bandang umiiyak upsound po ito...
Di sya nagmumura nag papakyu lang ng kanyang raw...
Hugot salpak sa raw at vo gang matapos sa extro...

Next step...sits sa script nasa left...
Establishing shots...wide shot then medium shot sa subject...
Two shots, pasok sa extreme close up sakto sa sot ng subject...
Still shots pasok sa tracking shots blur pag menor de edad, kung madugo o gustong magtago...
Itsamba sa mga subject nararapat sa video papuntang extro....
Cut aways sa extro, reverse two shot sa subject to first person o nagkwekwento...
Tapos na yung balita trt 120...
Ready for ere 520...
Preview mo na pals...
Baka may colorbars...


* v.o.-voice over
raw- tape na mini dv galing sa cameraman
dvcpro- tape na mas malaki ng onti sa mini dv, dito mairerecord ang final edit
colorbars- yung mga kulay sa tv pagkatapos ng lupang hinirang sa madaling araw
entry in- buton para pumasok ang ieedit
entry out- buton para lumabas sa kabilang tape ang ineedit
auto edit- mag eedit mag isa basta naayos ng mabuti kung saan lalatag
sot- sound on tape
natsot- natural sound on tape
mots- man on the streets (mga nagpapainterbyu lang sa daan)
jog- paisa isang pag talon ng video
shuttle- maramihan depende sa sinet mong oras ng pagtalon
establishing shot- facade ng gusto mong subject malamang building
wide shot- malawak hahaha
medium shot- sakto
two shot- may dalawang tao sa camera
extreme close up- kita gilagid ang subject
blur- makulimlim hahaha
cut aways - kuhang nakikipagtsismisan sa pulis
extro- pangalan ng reporter sabay buntong hininga tas balitang ilokano
trt- total running time
pals- production and logistic support siya ang may kasalanan ng lahat hahaha

No comments:

Post a Comment