trail

Sumisilip pa lang ang araw ng dumating kami dito sa isang paraisong walang kasing ganda kumpara sa mga napuntahan kong mga tanawin...
Wala pa sigurong nag lakas ng loob na pumunta sa ginawa gawa ko lang na daanan papunta sa isang lokasyon na hindi ko pa alam kung kamiy kaya pang pabalikin...
Tapos sasabihin niyo sa amin na sundan niyo lang ang buhangin sa gilid ng baybayin...

 Buti na lang may mga niyog at least makulimlim hindi ko nga feel na akoy nag ja jogging...im just chillin...
Ano ito lokohan? e bakit dito wala ng buhangin at ano ito wala na kaming tatawirin, burol lang ang pwede naming akyatin...
teka ano ba ang pwede kong gawin dito...wala pa akong last will and testament...bahala na lang si batman...kung mahulog man ako babawiin ko na lang mamaya sa pagkain...haha...

Sa taas ng burol makikita ang pag hampas ng alon sa tabi ng malalaking bato at hangin...

Pagka lagpas sa isang burol akala ko tapos na ang kalbaryo sa buhangin...
At ano ito? isa pang dead end...sige pinilit niyo ko dito, e di awatin niyo ako...ang masasabi ko lang mabilis akong tumakbo... ihanda niyo na mga bala niyo kasi hindi niyo ako kayang tirahin...haha yabang...
Dito po tayo sa kabila...pwedeng umakyat pero private property...bahala na basta kaya mong umilag kung ika'y babarilin sorry na lang kung ika'y mamalasin...
Mga damong dagat sa tuyong buhangin sumadsad at kumapit sa tabing dagat na nagmistulang abstrak na sining...

Ang maligamgam na batis ay isang dipang agwat lang sa tubig dagat na maalat, na minsan sa buhay koy nahawakan ko ang dalawang anyong tubig sa dalawang palad kong kalyuhin...

Minsan mas masayang nakapaa sa pagkonekta sa mundong puno ng yaman at kababalaghan, kaya sa di inaasahang pagkakataon sumulong kami sa gatuhod na batis na nakapaa, at para bang kamiy mga batang pinabayaan ng magulang na hndi kinakabahan kasi alam namin na kahit anong mangyari kamiy uuwi pa rin...

Mga buhangin, bundok, burol,at pormang bato na nagkukubli sa isang komersyong lumalaki, unti unting ninanakaw sa atin...
Nais mang angkinin pero hindi mabibili, sa paglalakad, pagtampisaw, pagtakbo o pag akyat ay dito lang natin makikita ang biyaya at halaga na hindi sa atin ipinagkait at dapat nating alagaan at huwag nating abusuhin...

May mga bagay na pwede nating sabihin na sa isang minuto ay sa iyo ang mundo dahil sa minsan na iyon ay di na natin maibabalik ang mga nauna ng mga pagkakataon at hindi na pwedeng balikan at kaya nating baliktarin...

Masusundan man ang mga unang tikim pero hinding hindi maipagpapalit ang tamis at walang kasin tamis na unang tikim...

No comments:

Post a Comment