P2

p2...susunod dyan walo...pag maramihan pitpitwo susunod pitpithree...ano nga ba yan?dahil sa p2 na yan nagkakapera ako...

yan ang gamit namin sa gma ngayon mapa camera gang editing machine gang sa playback...

naalala ko pa nung linear editing ang gamit namin...nasulat ko pa nga sa isang note ko...parang pareho lang sa p2 mas komplikado nga lang...pero mas mabilis pag sanay ka na...

ang p2 makina...ang p2 camera...ang p2 memory card...

ang dami no...kasi panasonic yan...hindi sony hindi cannon hindi nikon o nokia...

magulo ba?ganito kasi yan...nung bata ako marami akong gustong gayahin kaya naging magulo ako...klaro?

pagdating ko pa lang sa opisina dapat bisi ako...maghahanap ng matratrabaho...pag wala e di on ko na lang yung waypay ko...tas open na lang ng mga walang kwentang game rekwes sa notifications ko...tas delete ...buwiset...

manonood ng basketbol...pasilipslip sa epbi...makikipagkwentuhan sa mga kasamang kunwari bisi...mayamaya may sisigaw "...meryenda ni ate jinky?..."tas may sisigaw...MIKI!!!!!

ganun sa umaga paulit ulit...

pagkatapos mag meryenda... babalik sa opisina konting tawanan lunch ulit...

may sisigaw ulit "...lunch ni ate jinky?..."may sasagot...burudibud n lomolomo!!!!

marami ng nagsasawa kasi paulit ulit nga...ok lang utang naman babayaran sa katapusan...

bat tayo napunta sa utangan?p2 ang usapan...sori magulo lang talaga akong makipagkwentuhan...

pagkatapos ng lunch nagsidatingan mga cameraman...balita nilang puro barilan, saksakan, at walang kamatayang blacksand...

nasan ang p2?oo nga naman nasan ang p2...e di nasa mga cameraman...pa ulit ulit... basahin niyo kasi... camera sya makina at memory card na hawak ni bryan...

sino naman s bryan?siya yung nagpupuyat dahil sa p2 na yan...mahal nya si marivic pero in denayal lang...nabwibwisit na sa p2 na yan dahil sa puyatan...ang favorite motto ni bryan...Walang Tulugan...

hay naku balik uli tayo sa mga cameraman...so much for bryan kay addu na yan...

ang ginagawa nila pinaghihiwalay nila ang mga balita nila sa ibat ibang p2...tumatabi sila sa mga editor...jumujoin...eto namang si norman nasa tabi na nga gusto pang sigawan...

sino si norman?aba maitim yan...tumakbo ng 80k sa hospital nag bakasyon...wag kayo kundi sumama sa manila yan...kasama ng dating director na nagresayn...malamang hindi sya ang director namin kundi editor lang yan...

nasan ang p2?hay naku na kay norman nag eedit nasa slot2...mayamaya sisigaw "...junjun nasan ang facade ng presinto!!!" ...bakit wala kang preroll, nagzoom in ka pa sa iterviewee habang nagsasalita, nasan ang subject mo bat ka lumampas, bat ambaho mu, madami ka daw chiks,u10 ang framing sakto...

sino naman si junjun?naku wag na nating pag usapan...gagawa na lang ako ng bagong note para kay junjun...marami kasi syang kwento, di magkasyasa isang ebook reader...to cut the story short...si junjun magpapa despedida sa mga susunod na araw...mag aabroad na yata...

balik tayo sa p2...nasa editing portion na tayo ng p2...
ngaragan na...darating mga balita anong oras na...alas kuatro na!
may nagpapagraphics pa...
darating ngayon tong graphic artist namin na bata bata pa...
sa pag iisip at single pa...
mag rereklamo kasi late nga..ano ba talaga... sabi sa balita nakadapa yung bata bat nakatihaya...
wag ng magreklamo kung mansanas  yan o bayabas...malamang ubas yan...grabeng graphics yan...
nasan ang icon natin sa second anniversary ilo launch yan?

nasan ulit ang p2?
na kay rebz nag rerender sa fcp recording sa p2...
sino si rebz?
yung kamukha ni james harden...magaling sa camera pero editor...
mas marami daw siyang pera sa editing...
kesa sa anim na buwan niyang cameraman training...
kaya di mahugot hugot sa cameraman at hindi marunong mag drive ng crewcab...
naku sa dinamirami ng mga kasama ko dito sa opisina...
siya ang pinakaingay na may sense...at si norman naman ang pinakaingay na walang sense...

nasan na ang p2?
naedit na ba lahat?na kay jeh...
nagprepreview...
mayamaya sisigaw  "...reeeeeebz bakit hindi ito sakto sa sits sabi mga tao bakit mga hayop?"
sino si jeh? siya yung dating PA na naging PALS na patawatawa kung mag jojoke ako ng di ko rin naintindihan...
tapos may boyfriend yan...nagrereklamo dahil wala silang time...
office bahay lang ang tema...
buhay niya... liquidation liquidation at liquidation...
everyday calculator calculator calculator...
haay pati sa ere kala mo alam magkwenta ng TRT di naman sumasakto peace...

hay nasan ang p2?
na kay jayvee at marivic...
bakit nasa kanila?
mag bi BPN pa sila...pa translate translate ilokano to tagalog...

sino sila?
sabi nga ng boss namin...sino yung dalawang pangit?
ah yung dalawa po?
yung pangit si marivic po...yung mas pangit si jayvee po...wahaha peace...

sila lang naman ang huling pieces of the puzzle sa gma ilocos regional office...
production unit...
ok nga e...simula pa lang nasira na...
mabilis silang naka adapt sa isang environment na sigawan...
at anino ng takot na hindi mo akalaing ganun pala yun?...

nasan yung p2?
nasa kanila...nasa amin...eto yung kumokonekta sa aming magkakasama dito sa produksyon...

pede ko rin itong ikonek sa mga kasama namin sa engineering team, news team at administraton team...

pero tinatamad na akong magsulat...tutal tamad naman talaga ako lubus lubusin ko na...

gagawa na lang ako ng bagong kwento sa mga kasama ko...pedeng pampelikula  pedeng telenobela...

sa ngayon eto muna...

tsaka wag kayong maniwala sa kwento ko sadyang kathang isip po lamang at walang katotohanan except dun sa kwento ni NORMAN...
totoo yun...haha..

mga pangalan at pagkagaya sa mga character ng kwento ay sadyang tumugma lamang sa kalikutan ng isip ng nagsulat hahaha...

bye for now...

No comments:

Post a Comment