Taon ng bente-trese nagbigay ng pag asa...
hudyat na ang taon ng bente-dose ay isang kasinungalingan na katapusan ng mundo...
ayon sa mga henyong ninuno ng mga amerikanong bano...
Yan ang usapan noong araw...
isang taon na ang lumipas...
mabilis kumaripas mga araw na gusto nating ibalik tanaw...
Mga tao sa likod ng ating kaligayahan, kalungkutan, kinamuhian, kinainggitan, kinasabikan, at hinangaan...
tila isang araw ang isang taon sa bilis ng mga pangyayari at sa isang pagkakataon...
parang aral na may leksyon sa isang imahinasyong nailambag ng aparisyon...
Mga dumaan na galit at saya...
mga pagkain at pera...
lungkot at tawa...
kaaway at kasangga...
isa pa ring himala binigkis tayo ng tibay at halaga...
Mga talentong inilabas...
mga naitagong kayamanan na pilit winaldas...
mga taimtim na nagdasal para humingi ng basbas...
mga nahiya at hindi nagpakitang gilas...
at ang mga nilalang nagpakawalanghiya para lang tumaas...
Sa taon ng tibay...
tayo ay hindi bumitaw sa pinakamalakas na delubyo na sumira sa ating mga bahay...
sa tibay ng puso't isipan hanggang ngayon tayoy humihinga at buhay...
Sa pagtapos ng taon ng damayan...
kahit saan tayo dinala ng ating takbuhan...
nananatili tayong matatag sa ating pinanghuhugutan...
sana tayo tayo pa rin hanggang sa susunod na mga fun run...
Salamat at tayoy nagsalubong sa kalsada...
a mga ngiting nagpa alala na ang buhay ay masaya...
at mga paalam ay hindi kalungkutan kundi isang mas magandang oportunidad para sa mas maganda at mas manigong bagong taon...
Sa lahat ng mga kaibigan ko at mahal ko sa buhay na kumapit at naging inspirasyon ko ngayong taon...
maraming salamat sa inyong kooperasyon...
Sa pagbukas ng pahina ng taong bente-katorse...
wag kayong mag alala...sama sama pa rin tayo sa iisang bangka...
Paalam trese...
halika katorse hug nga kita...
maging mabait ka sa akin kundi ihe headline kita sa mga susunod na balita...
gagawa ako ng nobela dapat kasama ka...
kaya umayus ayos ka...
malamang di ka lang maging nobela...
magiging pelikula ka pa..
Kiprakinbradas!!!
Amawtahir...
hepenyeyir...

No comments:
Post a Comment