balentayms

Thirteen years na rin nating sine celebrate ang valentines since nung nasa college pa tayo...ang unang valentines ay bago pa tayo mag ojt sa ABS CBN sa quezon city...na BABY pa lang ang tawagan natin...na ang cheeseburger sa Mister Donut ang saksi ng mga napakasayang pag memeryenda natin nung tayo'y mas bata pa...ang toyota corolla xl na kung saan saan napapadpad at naging piping saksi sa mga lugar na puno ng ating pagmamahalan...ang boarding house na naging bahay sa paggawa ng thesis natin at tuluyan ng mga klasmeyts kung gustong manood ng mga bagong pelikula...bago pa noon ang 10 things i hate about you na nagbidahan ni heath ledger na ngayon ay patay na...naitatakw sa mga lower years sa CAS ang pagiging couple natin nung seniors tayo dahil sa isang insidenteng nagpakalbo ka at ako ang long hair...ako yung direktor sa teatro at ikaw ang asst. direktor sa theatre guild...lumipas ang isang taon ng grumadweyt tayo...ako ang napadpad sa GMA at tinuloy mong nag aral ng nursing...sumali si sandara park sa star circle quest at lahat ng mga nakakasalubong mo ay napapabulong "si sandara oh..kasama si tado..." amf...

(trivia...side story lang)
hindi naman sa pagmamayabang eleven years ago nagsimula din ang starstruck... sina katrina halili, mark herras, jennilyn mercado, christine reyes, yasmin kurdi at kung sino pang sumali sa artista search na yon...nakakatuwa na ang mga batang to ay nakikiupo lang sa akin sa canteen ng GMA...kasi naman ang tropa ko sa canteen si Pekto, si Teddy at si John Feir... di pa sila sikat noon...si pekto medyo lang, kasi kagagaling sa singko sa wow mali...si teddy pa extra extra lang sa idol ko si kap...matulin kasing mag tula...dating nasa powerbooks lang taga ligpit ng libro haha.. wala pang career na rakista at sa mga kwentuhan namin di ko inakalang magkakabanda siya at ngayon mainstay sa showtime haha..si john naman floor director lang sa nuts entertainment...yung makulit at lahat ng mga writer buwiset sa kanya kasi epal at gustong mag artista...feeling lang...haha...at ako sa lahat ng pinaka ayaw ko at aminin ko mang nakakatuwa dahil ako yung nagmarka na ako daw si tado...kapatid ko ba daw sya o di kaya kambal ko...kapag long hair ako...oo kambal ko yun...may ginawa akong music video christmas 2003 noon and it was with aleck bovick and maniwala kayo't sa hindi long hair ako and kamukha ko talaga si tado...itanong niyo pa kay Diego...nasa GMA pa si anne curtis at may kissing scandal pa sila ni richard gutierrez noon...ipagtatapat ko sa inyo...isa akong gag writer and i am sketch writer...kasama ako sa loop of writers sa bubble gang noon and yung dating gag show na nuts entertainment kasama si joey,anjo at janno...marami ng nagdaang valentines at marami ng nagbago...

(Cont...)
Naging sikat na ang mga tropa ko... ang mga dating nakikiupo sa canteen mga artistang lubos na...ang mga iba may anak na...mga iba may scandal pa...si tado patay na kakalibing lang nung isang araw...dumaan man ang maraming valentines...hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa isang babaeng naging buhay ko...maliban sa pagsusulat hindi nabubuo ang araw ko sa inspirasyong dala ng mahal ko sa buhay...at ang bunga siyempre...sa dalawang boys ko na araw araw ay may nagagawang sariling pelikula...literal, kasi kabisado nila ang pinapanood nila... at reenactment lang nila, pelikula na...they are my most wonderful creations kasama siempre ang valentines ko...sabi ko nga magagaling mag ingles ang mga yan...its just because their mom and dad are the pioneer batch of AB English Studies major in Comm Arts sa mmsu...haha ang yabang amf...this is the moment na ang baby ko dati ay naging "mommy" na...and my two boys were my "babies" na...

 We've been through a lot of challenging scenarios...it was just a story when were starting just as friends and budding betfriends as strong as i revisited them... Wala naman talagang recipe sa isang magandang relasyon...dapat ba away bati?...e kung walang bumigay...malay ko...baka kung saan humantong yan...try mong manligaw ulit...araw araw...wala naman sa kaguapuhan yan e...may extra factor ang guapo kung bobo ka siguro...dahil kung bobo ka na nga pangit pa aba wala ka ng magiging sexlife kundi sa imahinasyon na lang at kung sisipagin ka hanap ka kasex on text...

 Ang pagmamahal daw ay constant, consonant, contestant, constraint, conbustion,constellation,consultation,consumisyon,concubinage, contourtionism,condominium etc..malamang sa araw na ito maraming depinisyon ang "love"...pero kahit saan man ito patungo...dapat protektado ka...hindi yung pagdating sa november 14 ay tatago tago ka... This a day to remember why everyone has to be connected...maliban sa pldt,smart,globe,sun,tnt o tm ka, isa ka sa milyung milyong tao sa buong mundo na rason kung bakit lumandi ang lolat lolo ng lolot lola mo...wala pang telepono,celpon fax machine, internet, skype, epbi, prenster, kakao tok, flappy bird, zombie tsunami, o brick game noon...nagmahalan sila saksi ang mga puno at dahon ng mga sampalok, mangga,bayabas, santol..ganun...

(Trivia tutal ab english ako pagbigyan niyo na ako...)
Ang english ng "santol" ay... . . . "where dude?" amf buset kurne haha!!!

(Cont...)
Araw ng pag ibig ay nagpapahiwatig na hindi lahat ng single ay exempted...na ang pag ibig ay hindi sumpa na parang sa biyernes santo...na kung gagawa ka ng mantika ng niyog ay nakaka gamot sa anumang sakit...hindi porket biernes ngayon ay malas ka na ngayon...at ang walangyang partner mo sana ngayong valentines ay sa iba lumandi at ngayon ang tanging gamot na makakapiling mo ay pinakuluuang dahon ng lagundi... Perfect couples are made daw simula nung hindi pa sila nagkita...
 Take this as example...
 Doctor1: pre... i make love with my patient..
 Doctor2: pre...in our profession that is normal...sometimes our patients are meant for us... misis ko nga...dati kong patient...and besides its valentines day....
 Doctor1: pre...veterinarian ako e...

hahaha

 Nakakatawa pero the point is... its valentines...the concept and the thought, is we are bound to love... Tinatamad na akong magsulat...I'll just enjoy the day...mamayang gabi pa ako uuwi e...if i have the chance to be more romantic siguro hindi na lang ako bibili ng mga flowers at chocolate...ang mahal e...bibili na lang ako ng ribbon...i ribbon kun tu lattan ah!!!hahaha...

 Happy Valentines Day...

No comments:

Post a Comment