pag uwi

Pag uwi ko mag isa ako...
Miyerkules ng gabi walang bukas na kwarto...
Lahat nakakandado...
Alas otso pasado...
Walang magawa, higa lang muna sa kama ko...
Nag iisip ng malalim lalabas kaya ako?
E busog pa naman ako...
Mag fe feysbuk kaya ako...
Maya na magsusulat muna ako...
Nag download pala ako ng app sa tab ko...
Note everything, astig next best thing sa mga PD's ten years ago...
Naalala ko tuloy nung mas bata ako...
Sisimulan ko nung hiskul ako...
English speaking kami sa school ko...
Magdedebate kami ng katabi ko...
Siempre mag iinglisan kami at kami lang ang nakakaintindi sa mga pinagsasabi naming dayalogo ...
Astig no...
di naman ako mahilig magsulat noon, pero...
Sa sobrang kaboringan, napilit ko ang sarili kong magbasa ng libro...
Kinopya ko ang estilo ng nagsulat ng libro, ininglish ko...
Pinabasa ko sa katabi ko...
Tawa ng tawa jusko...
Nasapian ata to...
Pero seriously wala siya atang naintindihan sa sinulat ko...
Uto uto...
Nag eksperimento ako...
Gumawa ngayon ulit ako ng sulat ko...
Tinagalog ko naman yung inglish na kwento...
Pinabasa ko ulit sa katabi ko...
Tawa ulit ng tawa, aba kako may tama na to...
Dito nagsimula naging series ang pagsusulat ko at least may isa akong avid reader at akalain mo, katabi ko pa mismo...
Sa mga sumunod na mga taon akoy naging tagapagsulat ng mga kasama kong di marunong magsulat ng loveletter sa kanilang mga crush, jusko...
bakit nga ba talaga di ka crush ng crush mo tanong na yan nung kabataan ko...
Kasi ang gusto nila ako...haha
Di ko pa pala sinabi kung saan ako nag hiskul no?
Sa seminaryo...
Ikaw ba naman ang pagkaguluhan ng mga babae sa inyo...
At magtatanong bat daw ako magpapari e ang guapo ko...haha
Sabi ko naman di naman po masyado...
Nasa pagdadala lang po yan kasi nakakurbata ako...haha
Hay naku...
Medyo weird ang hiskul ko...
Kasi wala akong kaklaseng babae sa seminaryo...
Medyo abnormal ang adolescent life ko, kasi maraming bawal, bawal magka syota, bawal ang tv at radio, bawal uminom, bawal lumabas, puro patago...
Nagawa ko naman lahat ang bawal ang galing ko...
Pero dito nagsimula ang buhay ko na parang mafia, at ang kapatiran walang katapat saan mang anggulo...
Teka nasaan na ako?
Mag iisang oras na wala pa akong kasama dito sa boarding house ko?
Alas nuebe pasado...
Mag oopen na ang pangalawang kwest sa kendikras ko...
At nalolobat na ang tab ko...
Ano ba talaga ang kwento?
E di mag antay ng kasama ko...
Alas nuebe disiotso may nagbukas ng pinto...
Isa lang ibig sabihin nyan, yes! may kasama na ako...
So ano pang inaantay nio?
Tapos na to...
ayusin niyo na lang ang mga problema niyo...
Kung may naging problema kayo ngayong araw na to...
Abay wag niyo ng ulitin to...
Sabi nga nila "dont make the same mistake again"...oo nga andami pang ibang kasalanan jan... try niyo...
Di kayo magsisisi sa dami ng mga pwedeng gawing kasalanan mag eenjoy kayo pramis...
Bahala na kayo sa buhay nio...
Makaalis na nga...see you...

No comments:

Post a Comment